Your cart is currently empty!
Si Miguel at Ang Mahiwagang Parol
₱0.00
Naisip mo ba kung ano kaya ang mundo na walang ilaw sa kasagsagan ng Pasko? Sa gitna ng kawalan ng ilaw, ito ang naranasan ni Miguel at ng kaniyang kaibigan na si Ana sa kanilang nayon pagkatapos dumaan ng isang bagyo. Sa halip na mawalan ng pag-asa, ang magkaibigan ay tumahak sa isang paglalagkbay para hanapin ang ilaw na nanggagaling sa Mahiwagang Parol.
Ang parol ay sinasabing nakatago sa kabundukan kung saan ang mahihiwagang hayop at nilalang ay naninirahan. Ang kwento na may pamagat “Si Miguel at ang Mahiwagang Parol” ni Richard Grimaldo ay nagtuturo sa atin na umasa at hanapin ang liwanag sa Kapaskuhan kahit na sa gitna ng kadiliman.
Description

Sinulat ni Richard S. Grimaldo
Sa kuwentong “ Si Miguel at ang Mahiwagang Parol,” sundan sina Miguel at Ana sa kanilang masayang paghahanap ng kaharian ng kababalaghan. Baon an kanilang tapang at pagmamahalan sa kanilang mga ka-nayon, tuklasin ang lihim ng Mahiwagang Parol na may kapangyarihang magdala ng liwanag at kasiyahan sa kanilang nayon sa nalalapit na kapaskuhan. Mga makulay na karakter, misteryosong kagubatan, at isang mabait na Diwata ang magdadala sa kanila sa isang kapana-panabik na paglalakbay tungo sa kahulugan ng pag-asa, pagmamahal at pagkakaisa sa Pasko. Subaybayan ang kwentong puno ng kagalakan, pag-asa, at iba pang mga aral na nagbibigay diwa sa tunay na kahulugan ng Pasko sa puso ng bawat tao.
You must be logged in to post a review.











Reviews
There are no reviews yet.